Sabi sa mga nababasa kong chuchu sa internet, okay lang raw na masaktan ng ilang beses. Kasi magiging daan daw yun para matuto at maging matatag ang isang tao. Pero bago ko pa man mabasa yun, maraming beses na kong nasaktan. Di pa nga ako pamilyar sa paggamit ng internet, nasaktan na ko eh. Nakakatuwa lang, kasi napatunayan ko na totoo nga yun.
Yung mga sakit na pinagdaanan ko, sobra. Hindi nga lang ata nawasak ang puso ko. Durog eh. Parang ginamitan ng mortar and pestle. Eh kasi naman sa twing pagaganahin ko ang puso ko, tuma-tanga ko. Kaya ang ending masasaktan ako. Sa maraming beses na nangyari sa'ken yun, isa lang naman ang cycle na pagdadaanan ko.
Masasaktan -> Iiyak ng todo, yung parang wala na kong iiiyak pa -> Aasa pa rin na magiging okay ang lahat -> Iiyak ulit -> Madalas tutulala -> Aalalahanin ang nakaraan (habang umiiyak at nagpapatugtog ng malulungkot na kanta) -> Aasa ulit na magiging okay ang lahat -> Eh hindi naging okay kaya iiyak ulit at ipapangako na last na talaga -> Magbi-bitter-bitter-an -> Papapaniwalain ang sarili na wala na kong pakialam
*tapos uulit-ulitin ko yan hanggang sa maghilom at mabuo na ulit ang puso ko. Siguro gagawin ko yan ng mga ilang buwan, pinakamatagal na yung tatlong taon.
Mahirap kasi kalimutan ang nakaraan. Lalo na kung hindi lang basta-basta yung nakaraan nyo. Ang ibig kong sabihin kung marami kayong naipundar na memories. Yung tipong kahit san ka tumingin may moment kang maaalala. Yun yung pinaka-masakit.
Sa daming beses nang nangyari nito sa'ken, natuto na ko. Yung ilang taon kong ginugugol sa paglimot, nagagawa ko na ng buwan. Alam ko na kasi kung anong mga effective na gawin para makalimot.
Pero yung paglimot na ginagawa ko, iba sa natural na proseso. Usually kasi, ang ginagawa ng iba tinatapon, binabaon, oh kung ano pa mang term na ginagamit nila, lahat ng ala-ala. As in wipe out. Walang matitira. Para bang blankong pahina ulit. Yung sa'ken hindi ganun. Kung tutuusin nga wala naman akong tinatapon. Lahat kasi ng ala-ala, masaya man oh masakit, mahalaga sa'ken. Ang kinakalimutan ko lang, yung mali ko. Kasi usually naman, pag nasasaktan tayo, tayo rin ang may kasalanan. Hindi natin pwedeng sabihin na yung ibang tao ang mali. Kasi kung tutuusin, di naman nila tayo masasaktan kung hindi natin sila hahayaan. Kaya pag nasaktan na ko, di ako naninisi. Di ko na rin ginagawa yung routine na ginagawa ko noon. Ngumingiti nalang ako. Tinatawanan yung pagkakamali ko. Tapos sinusulat ko at tinatandaan kung anong natutunan ko sa sakit na yun. Tapos nagsisimula ako ulit. Di ko naman kasi kailangan magbabad sa sakit na yun. Wala namang patutunguhan kung magmumukmok lang ako. Oo iiyak ako. Pero di na tulad ng dati. Kasi di tulad noon, matatag na ko ngayon. Natuto na ko eh. After all tama naman talaga sila eh. Ok lang masaktan. Kasi dun tayo natututo at nagiging matatag.
No comments:
Post a Comment